May pagkakataon na ang lahat ng basketball fans, partikular na ang mga masusugid na tagasubaybay ng Philippine Basketball Association (PBA), na muling makadaupang-palad ang kanilang mga hinahangaang manlalaro na mismong tubo sa kanilang lugar sa planong ‘homecoming celebration’ ng liga kaugnay ng kanilang pagdiriwang sa ika-40 taong anibersaryo.

Isang panukala ang inilatag ni PBA chairman Patrick Gregorio para sa nasabing homecoming na naglalayong maibalik at mabisita ang kanilang mga lugar na sinilangan ng mga kasalukuyang PBA superstars na gaya nina James Yap at Marc Pingris ng Purefoods, reigning MVP Junemar Fajardo ng San Miguel Beer, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Barangay Ginebra, Paul Lee ng Rain or Shine at Calvin Abueva ng Alaska.

Ito’y sa pamamagitan ng pagsasagawa ng basketball clinics sa kanilang mga hometown o home province.

“One of our projects this season, which is supported by commissioner Chito Salud, is for PBA players to go back to where they came from, some sort of a homecoming to do basketball clinics and interact with their kababayan,” pahayag ni Gregorio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naniniwala si Gregorio na makatutulong ang nasabing homecoming events para mas lalo pang lumakas ang komunikasyon sa pagitan ng mga player at ng kanilang fans dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakakauwi ang PBA players para makita at makausap ang kanilang mga kababayan.

Nakatakdang isagawa ang nasabing homecoming project ngayong Enero hanggang Agosto sa ilalim ng pagtataguyod ng PLDT Home.