BATANGAS - Patay ang chief engineer ng isang barkong lumubog lulan ang may 20,000 sako ng semento sa karagatang sakop ng Lobo, Batangas.

Ayon kay Ginette Segismundo, information officer ng kapitolyo, batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ay may tama sa noo nang matagpuan ang bangkay ni Almarito Anciano, 64 anyos.

Sugatan at ginagamot sa Camillus Hospital ang kapitan ng barko na si Luzvimindo Casipong, 54, gayundin ang oiler na si Rizaldy Subo, 37 anyos.

Nailigtas naman ang 17 pang tripulante ng MV Sea Merchant na lumubog sa Malabrigo Point sa Lobo dakong 4:00 ng hapon nitong Enero 1.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Lulan ang 20,040 bag ng semento sa barko na pag-aari ng Fortune Sea Carrier, Inc. at nagbibiyahe patungong Antique Port mula sa daungan sa Bauan, Batangas.