Muling himas–himas ang rehas na bakal ng naarestong nakapugang bilanggo na si Dennis Natividad, 30, nang maaktuhan sa North Avenue, Quezon City.

Sa pahayag sa pulisya ni Natividad na may kasong pagsusugal, nais lang niyang makasama ang pamilya sa pagsalubong sa 2015.

Subalit nang makita ang anak na may sakit at dahil na rin sa kawalan ng pera, pinili nitong mang-snatch na siyang dahilan ng muli niyang pagkakahuli.

Isinuko naman sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal ang ikasiyam sa mga tumakas na si Roberto Valdez na may kasong akyat-bahay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kabuuan, siyam na ang naaresto ng mga awtoridad kabilang sina Rigor Alejandria, 30, may kasong theft/shoplifting; Thomas Evan Labutong, 25; John Patrick Dionido, may kasong rape; Benedict Guinto, 18, may kasong paglabag sa City Ordinance 5121; Emerson Castro, may kasong frustrated homicide; Miguel Glino, 22, may kasong paglabag sa City Ordinance 5121.

Ayon sa bagong hepe ng Cubao Police Station 7 na si P/Supt. Marlo Martinez, dakong 2:00 ng madaling araw noong Miyerkules, Disyembre 31,2014 nang makapuga ang mga nasabing preso. Agad na naaresto bandang 5:00 ng umaga si Robert Lacaba, may kasong alarm and scandal, sa follow –up operation sa Cubao.

Samantala, pinaghahanap pati ng tracking team ng Cubao Police sina John Sicat, Wilmar Morales, Rolando Araneta, Jeremy Llena, Rene Flores ,Alvin Lorensaga at CJ Nuque.