Walong katao ang iniulat na nasugatan makaraang tamaan ng stray bullet sa Iloilo City kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Iniutos ni Senior Supt. Ruperto Floro Jr., director ng Iloilo City Police Office (ICPO), sa kanyang mga opisyal na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon upang matunton at manapagot ang nagpaputok ng baril.

Batay sa natanggap na report, walo ang nasugatan ng stray bullet sa lungsod sa kasagsagan ng pagsalubong ng 2015.

Sinabi ni Supt. Gilbert Gorero, public information officer ng ICPO, na dalawa ang tinamaan ng bala ng .45 caliber pistol habang apat naman ang tinamaan ng bala sa loob ng mga bahay.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Naitala rin ng ICPO sa 39 ang nabiktima ng paputok sa Region 6.