Ipaparada sa Lunes ang 21 brand new patrol vehicles na gagamitin ng mga kawani ng Caloocan Police Station mula sa una at ikalawang distrito ng lungsod, upang maibsan ang tumataas na krimen.

Bukod sa 21 Toyota Vios patrol vehicles, isasabay na rin ang isang  back-to-back  mobile patrol  na gagamitin ng mga pulis sa pagroronda at pagreresponde.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, ang paglalaan ng pondo para sa mga sasakyan ng mga law enforcement ay malaking bagay sa pagmamantine ng peace and order sa Caloocan City.

Ang 10 ay gagamitin ng South Caloocan Police, habang ang natitira ay dadalhin sa North Caloocan Police, na may mataas na antas na krimen.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpapasalamat ni P/Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, sa mga ipinamigay na sasakyan  ng alkalde. Idinagdag na walang dahilan upang  magtamad-tamaran ang kanyang mga tauhan, gayung todo-supotra ang local government sa kanila.

Sa kasalukuyang may 780 pulis ang Caloocan Police kaya tumatayo sa 1: 1, 983 ang police-to-resident ratio na malayo sa ideal na 1: 500 ratio.

Humiling na rin si Malapitan ng karagdagang pulis sa Department of the Interior and Local Government upang mapunan ang mga kakulangan sa pulis.