Bagamat may 18 buwan na lang ang termino ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ikinakasa na ng gobyerno ang pagtatayo ng $10-billion international airport sa Sangley Point sa Cavite City.

Sinabi ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na nakatakda nang kumpletuhin at isumite ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang feasibility study sa panukalang airport bago sumapit ang Hunyo 2015.

“Matapos ay paaaprubahan namin ito sa National Economic and Development Authority (NEDA). Sana madala namin sa NEDA bago mag-Hulyo,” dagdag ni Abaya.

Matatandaang inaprubahan ng DoTC ang rekomendasyon ng JICA sa pagkukumpuni sa bagong international airport sa Cavite base sa isang site-selection study, na tinukoy ang Sangley Point bilang pinakamagandang lugar upang pagtayuan ng pasilidad mula sa pitong lokasyon na kinonsidera ng kagawaran. - Kris Bayos
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!