Patay ang isang 21-anyos na call center agent nang salpukin ng isang Asian utility vehicle (AUV) ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Tagaytay, kahapon ng madaling araw.

Idineklarang dead on the spot ang biktimang si Adrian Hernandez Abello, residente ng 201 Montenegro Street, Barangay Poblacion V, Alfonso, Cavite.

Agad namang inaresto ng Tagaytay City Police ang driver ng Mitsubishi Adventure (ZGH-679) na si Jemylyn Jimenez Gayas, 25, isang information technology consultant, matapos ang aksidente dakong 2:30 ng umaga.

Natiyempuhan ni PO3 Ariel T. Banaag si Abello at ang motorsiklo nito na nakakalat sa highway patungong Sta. Rosa, Laguna matapos salpukin ng sasakyan ni Gayas.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Pinalaya rin ng isang prosecutor si Gayas kahapon ng umaga matapos alukin ng bayad sa danyos ang pamilya ng biktima, ayon sa pulisya. - Anthony Giron