Wala nang ganang kumain ng gulay ang mga Pilipino, batay sa isang pananaliksik na ginawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Ayon kay Senator Cynthia Villar, hindi ito dapat balewalain dahil ang maayos na kalusugan ang sandigan ng matatag at progresibong bansa.

Sa isinagawang survey ng FNRI noong 1978 ay 145 gramo bawat araw ang nakakain na gulay ng isang Pilipino ngunit bubaba ito sa 110 gramo sa nakalipas na sampung taon at tinatayang babana pa ito.

Aniya, mahirap sa isang tao na walang sustansya dahil magiging masakitin ito kaya’t ang isang solusyon dito ay ang pagkain ng gulay.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“This can be achieved by eating the right kind of food, which includes vegetable. Eating vegetables should be a habit. It should form part of our daily meals We all know the substances that vegetables can give our body. They are strong defense against all kinds of illnesses,” ani Villar.

Aminado si Villar na ang mataas ng presyo ng gulay ang isa sa mga dahilan kaya’t kaunti na ang kumakain nito.

Bukod dito, aniya, naglipana na rin ang mga pampalasang artipisyal na panlahok sa mga ulam.

“I oftentimes hear that vegetables are more expensive than other foods like pork, beef or chicken. So that being a vegetarian is really expensive. But we don’t need to be vegetarians to be healthy. We should just observe a balanced food consumption. We can choose our own diet since what works for one may not work for others,” paliwanag ni Villar..

Aniya, sa mismong bakuran o sa mga hindi na ginagamit na mga garapa pwede na itong taniman ng mga gulay katulad ng petchay, mustasa at ampalaya.

Iminungkahi ni Villar sa local government units (LGU’s) na pangunahan ang implementasyon ng ganitong proyekto.