ZAMBOANGA CITY – Limang katao ang nasugatan nang suwagin ng isang kalabaw na pag-aari ng isang opisyal ng barangay sa siyudad na ito, kamakalawa ng umaga.

Sa kanyang ulat, kinilala ni Senior Insp. Efren Mariano ang may-ari ng nanuwag na kalabaw na si Barangay Kagawad Mariano Nolia.

Sinabi ng mga biktima sa pulisya na naglalakad sila nang biglang magwala ang kalabaw at umatake sa kanilang grupo sa Gutierrez Drive sa Barangay Putik dakong 9:00 ng umaga.

Hindi umubra ang tulin sa pagtakbo ng lima dahil sa pagiging agresibo ng naburyong na kalabaw, ayon pa sa ulat.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Kabilang sa mga nagtamo ng galos sa katawan ay sina SPO1 Sylvia Dicen, na sinuwag ng kalabaw habang sinasagip ang 6-anyos na si Gian Ozzy Castro Romo; sina Joseph Pulad, 34; Sarah Jean Seballos, 20; at Shikenah Tueres, 15.- Nonoy E. Lacson