HOUSTON (AP)- Nang lumamya ang shooting percentage ni James Harden sa kaagahan ng season, batid ni Houston coach Kevin McHale na mabubura din ng una ang kamalasan.

At nangyari nga ang inaasahan ng mentor.

Umiskor si Harden ng 36 puntos kung saan ay bumuwelta ang Rockets mula sa magkakasunod na pagkatalo matapos ang 102-83 win laban sa Charlotte Hornets kahapon.

‘’James is just a hell of a basketball player,’’ pahayag ni McHale. ‘’I told him earlier in the year: ‘The best news that we had was that we were winning games and he wasn’t shooting particularly well.’’

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Taglay ni Harden ang shooting sa 47.8 percent noong nakaraang Disyembre, mayroon lamang na 40.9 percent sa shooting noong Nobyembre at 37.1 percent sa pagbubukas ng buwan sa season.

Ang performance kontra sa Hornets ang NBA-leading 14th 30-point game sa season kay Harden, pinamunuan ang liga sa scoring. Naisakatuparan nito ang walong 3-pointers at 6 assists at 7 rebounds.

‘’James Harden did a great job,’’ pahayag ni teammate Dwight Howard.

‘’He was on fire. He did a great job of attacking the basket and hitting those 3s.’’

Ang matinding pag-atake sa pagsisimula ng third quarter ang nagdala sa Rockets sa pag-angat, at lalo pa itong pinalakas ni Harden nang magsalansan ng walong sunod na puntos at itulak ang bentahe sa 99-79 sa nalalabing 2 1/2 minuto.

‘’I felt real comfortable,’’ saad ni Harden, taglay ang 12-for-19 mula sa field. ‘’My shot felt good the entire night and I had confidence to shoot it.’’

Ang pagkabigo ang nagpalawig sa four game skid ng Charlotte. Naglaro ang Hornets na wala ang leading scorer na si Al Jefferson na nagtamo ng left groin strain.

Sumadsad ang Charlotte sa walong sunod laban sa Houston.

Umiskor sina Michael Kidd-Gilchrist at Gerald Henderson ng tig-16 puntos para sa Hornets.

‘’Turnovers were the difference in the game,’’ ayon kay coach Steve Clifford. ‘’That’s what got them going and they’re good at it. We had 18 turnovers mostly due to their good defense and they converted those to easy baskets.’’

Nagdagdag si Patrick Beverley ng 14 puntos sa Houston, at si Howard ng 11 puntos at 8 rebounds.

Ang 9-2 run ng Houston ang nagpatatag sa kanilang kalamangan sa 85-72 sa kalagitnaan ng fourth quarter. Habang nagpapahinga sina Harden at Howard sa bench, nagtala si Donatas Motiejunas ng 4 puntos habang inasinta ni Josh Smith ang pagsalakay ng koponan na taglay ang 3-pointer.

Humirit si Marvin Williams ng 3s sa Charlotte sa nalalabing ilang segundo sa third, ngunit sumagot si Harden ng 3-pointer upang dalhin ito sa 76-68 sa pag-entra ng fourth quarter.

Ang Houston ay mayroon lamang slim 47-45 lead sa break, subalit binuksan ang ikalawang half na taglay ang 13-4 run. Inasinta ni Beverley ang unang 8 puntos sa nasabing run, kabilang na pares ng 3s.

Kinolekta ni Howard ang kanyang ikaapat na foul sa huling bahagi ng third bago pinagpahinga sa kabuuan ng quarter at unang minuto sa fourth.

Agad siyang pinalitan ni Joey Dorsey ngunit napasakamay niya ang kanyang ikaapat na foul sa kaagahan ng fourth nang kanyang bunuin si Williams sa sahig. Malakas na sumalpak ang ulo ni Williams kung saan ay nagkasugat ang kanang bahagi ng kanyang ulo. Agad siyang tiningnan sa bench ng ilang minuto bago dinala sa locker room na hawak ang ilang gauze sa napinsalang lugar.