Liza-at-Enrique-copy

NAKA-RELATE at apektado ang maraming televiewers sa top-rating kilig-serye ng ABS-CBN na Forevermore lalo na sa nararanasang sunud-sunod na pagsubok na pinagdaanan ng karakter ni Liza Soberano na si Agnes bilang chambermaid sa Grande Hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Xander (Enrique Gil).

Katunayan ang laging pagiging trending topic ng show sa Twitter at noong Monday (December 29) ng “Agnes” at ng official hashtag ng programa na “#ForevermoreTheChallenge.” Bumuhos ang tweets ng viewers at netizens dahil sa panghihiyang dinanas ni Agnes sa kamay ng ina ni Xander na si Bettina (Lilet) at ng VIP guest sa hotel na si Steph (Marina Benipayo).

Lalo pang nalungkot ang maraming netizens at nakisimpatiya sa kalungkutan ni Agnes nang aksidenteng matapunan niya ng hot choco si Steph. Mangiyak-ngiyak si Agnes sa kahihiyang naganap sa harap mismo ng lola ni Xander na si Doña Soledad (Marissa Delgado) at pinsan nitong si Julius (Kit Thompson).

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Inaabangan ng loyal viewers ng Forevermore kung susuko na ni Agnes sa kanyang pangarap na makapagtapos o mas patatatagin siya ng mga nangyayaring ito. Sinusubaybayan din kung paano makabawi si Xander kay Agnes na wala pa naman sa tabi niya ngayong kailangan niya ito nang husto.

Napapanood ang Forevermore, gabi-gabi, pagkatapos ng Dream Dad sa ABS-CBN Primetime Bida.