BRISBANE, Australia (AP)- Umatras na rin si Juan Martin del Potro ng Argentina mula sa Brisbane International sanhi ng tinamong kaliwang wrist injury, nakisalo sa isa pang dating U.S. Open champion na si Marin Cilic.

Hindi gaanong nasilayan si Del Potro sa tour simula nang sumailalim ito sa operasyon noong Marso, subalit tinarget na nito ang Brisbane sa kanyang pagbabalik. Ang withdrawal ng 2009 U.S. Open champion ang nag-iwan din sa kanya ng pagdududa para sa Australian Open, habang inaasahang makikita ito sa aksiyon upang idepensa ang Sydney International na napagwagian niya noong nakaraang taon.

Inihayag ni Cilic, taglay ang right shoulder injury, ang kanyang withdrawal noong Miyerkules.

Maglalaro naman sina Roger Federer, Milos Raonic, Kei Nishikori at defending Lleyton Hewitt sa men’s event sa Brisbane, habang sina Victoria Azarenka at Sam Stosur ang ilan lamang na nakahanay sa women’s draw.
National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16