Siniguro ng probinsiya ng Davao del Norte ang kaligtasan ng mga atleta at opisyales sa 17 rehiyon na sasabak sa 2015 Palarong Pambansa.

Ito ang sinabi mismo ni Davao del Norte Governor Antonio Del Rosario sa pagbisita ni Philippine Sports Commission (PSC) Richie Garcia sa tinaguriang “Banana capital of the Philippines” sa paglulunsad ng programa ng PSC Laro’t-Saya sa Parke, PLAY N’ LEARN.

“On-going na ang preparations nila for the hosting of the Palarong Pambansa. Matagal na nila iyon inaasam na i-host kaya naman Gov. Del Rosario is personally on hand to make sure of the safest and memorable staging of Palaro in Mindanao,” sinabi ni Garcia sa ika-58 edisyon ng torneo.

Samantala, pitong probinsiya naman ang naghahangad na maisagawa ang ika-59 edisyon ng Palaro sa 2016. Ito ay binubuo ng Vigan, Ilocos Sur, Guinobatan, Albay (R-5), Tuguegarao City, Cagayan (R-2), Lingayen, Pangasinan (R-1), Naga City, Camarines Sur (R-5), San Fernando, Pampanga (R-3) at Bocaue, Bulacan (R-3).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaan na nagwagi ang Tagum City, Davao del Norte sa isinagawang bidding para sa prestihiyosong torneo na para sa rehiyon ng Mindanao.

Ang desisyon sa paggawad ng hosting ay isinakatuparan naman ng Palarong Pambansa Management Committee na binubuo ng Department of Education, Philippine Sports Commission at Department of Interior and Local Government (DILG).

Naging sandigan ng Davao del Norte ang ‘world class and state of the art’ na pasilidad para sa una nilang pagkakataon na maging host sa kasaysayan ng torneo sapul nang nagsimula noong 1948 na kilala pa noon bilang Bureau of Public Schools-Interscholastic Athletics Association Games (BPISAA).

Ipinagmamalaki ng Davao del Sur, sa pangunguna ni Congressman Anthony Del Rosario at Governor Del Rosario ang P350-milyon na Tagum City Sports na binubuo ng world class na track and field oval, Olympic standard na swimming pool, football field na puwedeng paglaruan sa gabi at makabagong basketball court.