Umabot sa 660 kilo ng mga pekeng gamot mula sa Pakistan ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na nagkakahalaga ng milyun milyong piso.

Ang shipment ay naka-consigned sa isang Richard Sorioso na binubuo ng ilang mga pekeng brand na kinabibilangan ng anti-psoriasis at skin allergy ointments tulad ng “Betnovate” at “Dermovate”; female hormonal drugs na “Duphaston” at “Diane”; vascular disease drug na “Daflon”; anti-hypertension na “Plendil”; gamot sa anti-vertigo na “Stugeron”; gamot sa diabetes na “Glucophage”; gamot sa sakit ng tiyan na “Buscopan”;

Ang mga produkto ay ipinagkatiwala Abasolasa Food and Drug Administration habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Intellectual Property Office upang malaman kung totoo ang halaga ng kargamento, ayon sa BOC.

Nabatid na ang pag-aangkat ng mga gamot ay nangangailangan ng pahintulot mula sa ibang ahensiya ng gobyerno upang maprotektahan ang publiko mula sa mga bawal na gamot na maaaring maging sanhi ng higit pang pinsala kaysa magpagaling para sa mga karamdaman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dumating ang kargamento sakay ng Thai Airways flight mula Karachi, Pakistan sa pamamagitan ng Bangkok, Thailand noong Disyembre 19.

Inilagay ito sa ilalim ng alert order ng Intelligence Group ng BOC matapos makatanggap ng tip ang tanggapan ni Commissioner John Sevilla.

Noong nakaraang buwan, tinatayang P2-million halaga ng anti-depressant Alprazolam ang nakita ng mga tauhan ng bureau sa loob ng mga kahon na ipinadala sa pamamagitan ng air cargo mula sa Pakistan, at ibinigay sa pangangalaga ng Drug Enforcement Agency. - Mina Navarro