PLANO nang magpakasal ng Paramore lead singer na si Hayley Williams sa kanyang nobyo na si New Found Glory guitarist Chad Gilbert.

Nagbahagi si Gilbert, 33, ng larawan na makikita ang ulo niya at ni Williams na tila ikakasal at ito ay  inilarawang: “Popped the question on Christmas Day! #micdrop.”

Sinagot naman ito ni Williams, 26, sa Twitter noong Disyembre 31 at sinabing: “Can’t even keep up w/ the sweet texts, emails, tweets. Thx so much yall! We’re so psyched! See yall in 2015.”

Nagsimula ang relsyon ng dalawa noong 2008. Dati nang ikinasal si Gilbert kay Sherri DuPree mula sa indie rock group na Eislley, at sila ay naghiwalay noong 2007.  - US Weekly
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’