BUKOD sa patuloy na pagrereyna sa takilya ng pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin, patok din agad sa madlang pipol ang bagong album sa Star Music ng Phenomenal Star na si Vice Ganda.

Sa katunayan, wala pang isang linggo ng commercial release ng kanyang album na may titulong #Trending ay natamo na nito ang gold record status sa naibentang mahigit 7,500 kopya ng CD. Ito ay sinertipikahan ng Philippine Association of the Record Industry, Inc. (PARI).

Laman ng #Trending album ni Vice ang mga kantang Boom Panes, Aba, Matindi, Malaya Ka Na, Ibang Hugis, Ibang Kulay at Push Mo ‘Yan ‘Te na tampok ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang back-up vocalist.

Kabilang sa bonus tracks ang Boom Panes Bryan Cua Remix, Boom Panes Christmas Remix, at Push Mo ‘Yan ‘Te Bryan Cua Remix. Lahat ng kanta ni Vice ay may minus one versions sa album.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang #Trending album ni Vice ay mabibili pa rin sa leading record bars nationwide sa halagang P199. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph, at Instagram.com/Starmusicph.