Liza-Aiza-copy

ABALANG-ABALA ngayon sa paghahanda para sa kanilang muling pagpapakasal ngayong Enero 8 sina Aiza Seguerra at Liza Diño habang, sa totoo lang, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pag-iisang dibdib nila sa California.

Naging kontrobersiyal ang naganap na kasalan kaya kahit ilang linggo na ang nakalilipas ay paboritong topic pa rin ito sa mga umpukan sa showbiz man o hindi.

Hindi pa rin kasi tanggap ng karamihan sa mga Pilipino ang pagpapakasal ng dalawang taong may parehong kasarian kaya tuluy-tuloy natatanggap na mga batikos ng dalawa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nabanggit ni Aiza na hindi naman nila planong ma-recognize o maging valid lalo na sa Simbahan ang pagpapakasal nila ni Liza. So, bakit magkaroon pa ng second wedding dito sa Pilipinas?

“We’re not doing this to be recognized. We just feel we have to do this because number one, our families are here. Kahit gaano ka-special ‘yung wedding namin sa US, our families, our best friends are all here,” sey ni Aiza.

Dagdag pa niya, nagdesisyon sila ni Liza na magpakasal din dito sa Pilipinas para masaksihan ito hindi lang ng mga pamilya nila kundi pati na rin ang mga kaibigan nila. Gusto nilang maipakita sa pamilya at sa mga taong malalapit sa kanila ang isang napakaimportanteng bagay sa kanilang dalawa.

“It’s not a statement we’re trying to make to other people. Ever since, this relationship has always been about us and the people we love, and it’s going to remain that way,” sey pa niya.

Ayon pa kay Aiza, marami silang mga kaibigan mula sa showbiz na inimbitahan para dumalo sa espesyal na okasyon sa buhay nila.