Labis na nakakaapekto ang sakit ng ulo sa araw-araw na gawain ng bawat indibidwal. Dahil sa isinagawang pag-aaral, nadiskubre ang ilan sa mga pagkain na makatutulong upang maibsan ang sakit ng ulo.
1. Low-Fat Milk
Ang isa sa nagpapatindi ng sakit ng ulo ay ang dehydration kaya dapat iwasan ang pag-inom ng alak at ang mga pagkain na mataas sa sodium upang maiwasan ang pananakit ng ulo. At hindi lamang pamatid-uhaw ang gatas, ito ay puno rin ng mahahalagang mineral na kinakailangan ng katawan katulad ng calcium at potassium.
2. Fatty Fish
Ang mga pagkain na mayaman sa vitamin B katulad ng B6, B12 at folic acid ay makatutulong para mabawasan ang pananakit ng ulo, kaya ang pagkain ng salmon at tuna ay magandang paraan upang maibsan ang sakit ng ulo.
3. Melon
Makatutulong ang pagkain ng cantaloupe o melon dahil ang prutas na ito ay mayaman sa tubig at potassium, na magkokontrol sa pagtaas ng sodium at pagkauhaw. Taglay ng cantaloupe ang 66 milligrams ng magnesium sa bawat melon.
4. Potatas
Katulad ng melon, ang patatas ay nagtataglay din ng potassium na makatutulong upang magamot ang sakit ng ulo kung sakaling ang isang indibidwal ay dehydrated. Ang patatas ay may taglay na mga bitaminang A, C at B6.
5. Cherries
Ang pagkain ng lahat ng prutas ay makatutulong upang maibsan ang sakit ng ulo dahil ito ang isa sa mga paraan upang makakuha ng sapat na tubig ang katawan. Gayunman, ang cherries ay binubuo ng compounds na nagiging nitric oxide sa dugo at nakatutulong upang makaiwas sa pananakit ng ulo.
6. Tubig
Hindi lamang pagkain ang mahalaga at makatutulong, kundi ang tubig na pamatid-uhaw na isa sa mga nagiging sanhi ng sakit ng ulo. At ang malipasan ng gutom ay nagdudulot ng malaking problema. “Especially if you’re someone who is sensitive to dips in blood sugar, don’t go longer than three or four hours without eating,” ayon sa London. (Yahoo News/Health)