Patay ang isang pahinante at apat na iba pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Atok, Benguet nitong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Atok Municipal Police, agad na namatay si Oliver Sagsago, habang sugatan naman ang mga kasama niyang sina Willy Banwagen Yubos, 44; Jessie Elesiz Quiangao, 13; Ricky Mike Balbueva, 17; at Jay-ar Yubos, 20, ay nakatamo ng multiple head injury.

Sinabi ng pulisya na pauwi na sa Buguias ang mga biktima mula sa paghahatid ng mga manok nang mangyari ang aksidente.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

May 30 talampakan ang lalim ng bangin na kinabagsakan ng truck.

Nananatili pa sa ospital ang apat na nasugatan.