TARLAC CITY – Tatlong katao ang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos magkabanggaan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa Tarlac- Sta. Rosa Road sa Barangay Maliwalo, Tarlac City, noong Martes ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Rogelio Solis, 32, driver ng tricycle (QL-3032), ng Bgy. Mayang, La Paz; Joselito Cortez, 40, driver ng motorsiklo, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Bumabagtas pasilangan ang tricycle nang aksidenteng makabanggaan ang motorsiklo.
National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko