Kalaboso ang isang Sudanese nang duraan si Manila Vice Mayor Isko Moreno matapos ireklamo ng isang traffic enforcer sa jaywalking at grave threat at assault sa tanggapan ng Manila Police District (MPD).

Isinailalim na sa inquest proceedings nitong Miyerkules si Amro Aboud Hassan Eltayeb na nakapiit pa sa MPD-General Assignment and Investigation Section.

Aminado naman ang suspek na nakainom siya ng Vodka bago pa siya maaresto, ayon kay SPO2 James Poso, dakong 6:00 ng gabi ng Martes.

Tumawid umano si Eltayeb sa panulukan ng Roxas Boulevard at Pedro Gil kung saan nagmamando ng traffic si Vice Mayor Moreno dahilan upang sitahin ito sa jaywalking.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Nagwala naman ang dayuhan at tumigil pa sa gitna ng kalye.

Dito na nilapitan ni Moreno ang dayuhan ngunit siniko siya nito, kaya tumawag na ng traffic enforcer ang vice mayor.

Gusto pa umanong tadyakan ng dayuhan ang bise alkalde kaya binitbit na ito sa presinto, kung saan nito dinuraan si Moreno sa likod.

Isang lady reporter umano na kumukuha ng report ang amba rin sanang sisipain ng dayuhan ngunit napigil ito ng mga pulis.