NASUGBU, Batangas - Naniniwala ang pamilya ng isang 68-anyos na lalaki na ang iniindang sakit ang dahilan sa pagpapakamatay nito sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Ronnie Glen Bagsic, nagbaril sa sarili si Jose Rodriguez, taga-Barangay Bulihan sa naturang bayan.

Dakong 8:00 ng umaga noong Disyembre 30 nang matuklasan ng apo ang pagpapakamatay ni Rodriguez gamit ang isang shotgun.

May tumor umano sa pancreas si Rodriguez na posibleng dahilan ng pagpapatiwakal nito.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado