SAN JUAN, Batangas - Posible umanong pinagnakawan muna ang isang 77-anyos na lalaki bago pinatay ng isang grupo ng mga lalaki sa San Juan, Batangas.
Natagpuang patay sa kanyang kubo si Rufo Aguilar, magsasaka, at residente ng Barangay Laiya sa naturang bayan.
Sa follow-up operations ng pulisya, naaresto ang isa sa mga suspek na si Merwin De Castro habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan niyang sina Junie Galit, Jomie Galit at isang alyas Lito.
Ayon kay Chief Insp. Pablo Aguda Jr., hepe ng San Juan Police, natagpuan ng anak si De Castro na duguan ang ulo at sugatan ang dibdib at magulo ang mga gamit sa loob ng kubo.
Nawawala rin umano ang wallet ng biktima.