TUY, Batangas - Pinaghahanap ang isang dating pulis matapos umanong barilin at mapatay ang nakababata niyang kapatid sa kanyang farm sa Tuy, Batangas.

Nagtatago na si Pablo Roxas, 54, sa pagpaslang sa kapatid na si Cesar, 47, kapwa taga-Barangay Mataywanac sa Tuy.

Ayon kay SPO2 Victor Creus, 10 taon nang may personal na galit si Pablo sa kapatid subalit hindi idinetalye ng pamilya ang dahilan.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Dakong 6:30 ng umaga noong Disyembre 30, nasa taniman ng kamatis ang biktima nang sundan ng suspek at barilin sa dibdib gamit ang isang .45 caliber pistol.

Batay sa record ng pulisya, dating pulis si Pablo na nahatulan sa homicide sa pagpatay sa isang PO2 Edilberto Mendoza, ng Regional Mobile Group-National Capital Region (RMG-NCRPO) noong 2001.

Nahatulan noong Marso ng kasalukuyang taon at nasa probation status, murder naman ngayon ang kinakaharap na kaso ni Pablo.