BINILHAN ng singer na si Jordin Sparks ang kanyang sarili ng isang sasakyan para sa kanyang ika-25 na kaarawan noong Disyembre 22. Ibinahagi ng singer ang ilang mga larawan ng kanyang Jeep Rubicon Unlimited noong Lunes sa Instagram.
“Interior just got finished! (I bought it on my bday last week!)” paglalarawan niya sa isang litrato. “I’ve wanted a Jeep ever since my Daddy had one when I was little. Happy Birthday to meee!”
Sa isa pang larawan, makikita si Jordin na nakasandal sa kanyang makintab na sasakyan. Ginamit niya ang isang quote mula kay Missy Elliott: “Beep beep who gots the keys to da jeep? Vrooooooom!”
Pinalitan ni Sparks ang kanyang BMW na iniregalo sa kanya ng dating nobyo na si Jason Derulo. Naghiwalay sila noong Setyembre matapos ang tatlong taong relasyon.
Sinabi ng Battlefield singer na nais niya itong ibalik sa dating nobyo.
“I haven’t really had time to think about it, but yeah, I probably will [give it back],” pahayag ni Sparks sa The Wendy Williams Show noong Oktubre 1. “He can have it.” - Yahoo News/Celebrity