SURABAYA, Indonesia/JAKARTA (Reuters)— Naniniwala ang Indonesian rescuers na natagpuan na nila ang wreck ng bumulusok na eroplano ng AirAsia sa ocean floor sa dagat ng Borneo, matapos ma-detect ng sonar ang isang malaki at madilim na bagay sa ilalim ng tubig kung saan naglutangan ang mga debris at bangkay.
Sinusuyod ng mga barko at eroplano ang Java Sea para sa Flight QZ8501 simula noong Linggo, nang ito ay mawalan ng contact sanhi ng masamang panahon halos 40 minuto sa biyahe nito mula sa lungsod ng Surabaya sa Indonesia patungong Singapore.
Narekober ng Indonesian rescuers ang iba’t ibang debris, kabilang na ang mga bagahe, at pitong bangkay na palutang-lutang sa mababaw na tubig.
“It’s about 30 to 50 meters (100 to 165 feet) underwater,” ani Hernanto, pinuno ng search and rescue agency sa Surabaya, tungkol sa bagay na nasa sea bed.
Naghahanda na ang mga awtoridad sa Surabaya para tanggapin at kilalanin ang mga bangkay, kabilang ang pag-aayos sa 130 ambulansiya na magdadala sa mga biktima sa isang police hospital at pangongolekta ng DNA mula sa mga kamag-anak.
“We are praying it is the plane so the evacuation can be done quickly,” ani Hernanto.
Sinabi ng mga opisyal ang malalaking alon na umaabot sa tatlong metro (six to nine feet) ang taas at malakas na hangin ang humahadlang sa paghahanap sa wreckage at nahihirapan ang mga diver sa paggagalugad sa crash Tabbadzone.
Kabilang sa mga natagpuang bangkay noong Miyerkules ang isang flight attendant.
Ang mga nakadamit pang bagkay ay nagpapahiwatig na buong bumagsak sa tubig ang Airbus A320-200 at sinusuportahan ang teorya ng aerodynamic stall.
“The fact that the debris appears fairly contained suggests the aircraft broke up when it hit the water, rather than in the air,” sabi ni Neil Hansford, dating piloto at chairman ng consultancy firm na Strategic Aviation Solutions.
Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo na ang AirAsia ang magbabayad sa immediate advance of money ng mga kamag-anak, na marami ang hinimatay nang mapanood sa telebisyon ang mga litrato ng paghahanap.
Inilarawan ni AirAsia Chief Executive Tony Fernandes ang crash na kanyang “worst nightmare”.
May 30 barko at 21 sasakyang panghimpapawid mula sa Indonesia, Australia, Malaysia, Singapore, South Korea at United States ang magkasama ang paghahanap.
Sakay ng Flight QZ8501 ang 155 Indonesian, tatlong South Korean, at isang taga- Singapore, Malaysia at Britain. Ang co-pilot ay French.
Ang AirAsia group, kabilang na ang mga affiliate nito sa Thailand, Pilipinas at India, ay hindi pa nagkaroon ng crash simula nang magbukas ang operasyon ng Malaysian budget airliner noong 2002.