ANG tunay na kahalagahan ng pag-ibig ang ibabahagi ng real-life couple na sina Gerald Anderson at Maja Salvadorsa mga manonood ngayong Biyernes (Enero 2) sa pagtatapos ng kanilang kuwento na “The Gift of Life” sa Christmas TV special ng ABS-CBN na Give Love on Christmas.

Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ina, ipaglalaban ni Tristan (Gerald) ang espesyal na pagkakaibigan nila ni Melissa (Maja) ngayong unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob dito.

Paano mapaninindigan ni Tristan ang kanyang pag-ibig para kay Melissa ngayong mas lumalala na ang kanyang sakit? Mahahanap na ba ni Melissa ang lakas ng loob para isakripisyo ang sarili upang mapahaba pa ang buhay ni Tristan? Sa huli, ano ang gagawin ni Melissa kapag natuklasan niya na ang lalaki na kanyang pinakamamahal ay ang dahilan ng aksidenteng sumira sa kanyang buhay at pamilya?

Samantala, panibagong kuwento ng pag-ibig naman ang mapapanood simula sa Lunes (Enero 5) na may titulong “Exchange Gift” na pagbibidahan nina KC Concepcion at Paulo Avelino.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Iikot ang kuwento ng Give Love on Christmas Presents Exchange Gift kina Christian at Anna (Paulo at KC), ang mag-asawang pagtatagpuin ng pag-ibig at tadhana, ngunit pilit na paghihiwalayin ng kanilang mga pagkakaiba at patung-patong na problema.