MANIGONG Bagong Taon sa lahat ng mga mambabasa ng BALITA! Nawa’y mas lalo pa namin kayong mabigyan ng maiinit na mga balita ngayong 2015.

Samantala, nasagot na ang tanong ng maraming katoto kung bakit sa nakaraang grand presscon ng Feng Shui 2 ay walang give-aways si Kris Aquino. Nakasayanan na kasi na sa tuwing may pa-presscon ang Queen of All Media ay parang nag-grocery ang lahat ng entertainment press galing sa mga kompanyang gumagawa ng mga produktong iniendorso niya.

Kaya nagulat ang lahat nang makatanggap sila ng dalawang bumbilya na nakalagay sa napakalaking eco-bag na may malaking mukha ni Kris.

May dahilan naman pala kaya hindi namigay ang TV host/actress dahil nagkaroon siya ng outreach program sa Baclaran na ipinalabas sa KrisTV nitong Martes at nakita namin na tuwang-tuwa ang nabiyayaang limandaang (500) pamilya ng mga tagalinis sa mga kalye na nasasakupan ng nasabing lugar at nakatanggap din ang otsenta’y singkong empleyado ng kura parokong si Padre Ino Cueto ng Baclaran Church.

National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH

Katuwang ni Kris na namahagi ng regalo sina Coco Martinat Shaina Magdayao at sina Morissette Amon at KZ Tandingan naman ay humarana sa mga nasabing pamilya para pagsalubong ng 2015.

Ninang of All Media ang bagong tawag ngayon kay Kris, pero bukod tanging kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera lang ang nadaluhan niya ngayong Disyembre na naging daan din para sa pagbabati nila ng kaibigan niyang si Ai Ai de las Alas na sumama ang loob dahil hindi nakiramay ang TV host/actress sa pagpanaw ng biological mother nito isang taon na ang nakararaan.

Mukhang may dahilan, ‘no, Bossing DMB dahil ganitong panahon at petsa (Disyembre 30) rin nang pumanaw ang pinakamamahal na ina ni Ms. A na si Ginang Gloria Hernandez de las Alas.

Samantala, pagkatapos ng kasal ay umuwi na si Kris dahil paalis naman silang mag-iina kasama ang ilang kaibigan patungong Japan para doon salubungin ang 2015.

Natuloy ang pag-alis nila kahapon ng umaga. Gusto kasing makaranas ng tunay na yelo ang magkapatid na Joshua atBimby. Ito ang pagkakataon ni Kris na mapagbigyan ang mga anak dahil bakasyon naman.

Matatandaang iniurong ni Kris ang petsa ng biyahe nilang mag-iina para sa kasal nina Dong at Yan.