SHANGHAI (AP) – Tatlumpu’t limang katao ang namatay sa stampede habang ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa makasaysayang waterfront area ng Beijing, ang Chen Yi Square, sinabi kahapon ng mga opisyal ng lungsod. Ito ang pinakamatinding trahedya sa pangunahing siyudad ng China sa nakalipas na mga taon.

Ayon sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Shanghai, may 46 na iba pa ang ginagamot sa mga ospital, kabilang ang 14 na malubhang nasugatan, kasunod ng kaguluhan 30 minuto bago magpalit ang taon. May dalawa pang nasugatan ang agad na nakalabas ng ospital.

Ayon sa microblog ng People’s Daily, na pinangangasiwaan ng Communist Party, 25 babae at 10 lalaki ang nasawi, nasa edad 16-36, at kabilang sa mga nasugatan ang tatlong Taiwanese at isang Malaysian.

Ayon sa hindi pinangalanang saksi na nakausap ng Xinhua News Agency, nag-unahan ang mga tao sa coupon na mukhang dollar bills na itinapon mula sa bintana ng ikatlong palapag ng isang gusali. Iniimbestigahan pa ang tunay na sanhi ng stampede.
National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets