MAKALIPAS ang anim na buwan na relasyon, niyaya na ni Joe Manganiello ang kanyang nobya na si Sofia Vergara sa Hawaii noong araw ng Pasko. Bukod pa rito, ipinagdiriwang din nila ang kaarawan ni Joe noong Disyembre 28 sa kanilang tropical getaway.

Bagamat hindi pa nagbibigay komento sa kanilang engagement, nakita si Vergara na hinahalikan ang kanyang mapapangasawa na suut-suot niya ang maganda (at malaking) diamond na singsing sa kanyang ring finger.

“Happy happy bday to my love and best friend… to the one that makes me laugh like crazy!have a healthy wonderfull year babe!!!@joemanganiello,” ipinaskil ni Vergara na may kasamang larawan sa Instagram noong Linggo.

Ibinahagi rin niya ang larawan ng kanilang selebrasyon sa Oceanside. “Hawaiian bday!!”

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Kasama rin nila ang kanilang 21 taong gulang na anak na si Manolo.

“He wanted to do it in front of her family,” isang source ang nagsabi sa US Weekly. - Yahoo News/Celebrity