Napasok ng isang hindi kilalang holdaper ang isang beauty salon sa pamamagitan ng pag-spray ng paint thinner at tinangka itong sunugin sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakapalag pa ang mga empleyado ng Mylash Saloon sa Blue Bay Walk, Metropolitan Park, Macapagal Avenue ng lungsod na sina KC Romero, Amie Adlawan at Lota Javellana nang malanghap ang kemikal at halos hindi na makahinga.

Sinisikap naman ng awtoridad na matukoy ang suspek na nasa 35 hanggang 38-anyos, may taas na 5’8’, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng berdeng jacket, maong na pantalon at bullcap.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Dennie Desalisa, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dakong 7:07 ng gabi pumasok at nagpanggap pang kustomer ang suspek. Bigla itong nag-spray ng kemikal para hindi makahinga ang mga empleado at kinulimbat ang P8,000 cash sa cashier. Habag paalis ay nagsindi pa siya ng lighter sa tangkang sunugin ang salon.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Bagama’t may kuha ng closed circuit television (CCTV) camera hindi naman nahagip ang mukha ng suspek dahil natatakpan ito ng suot niyang sombrero.