RIO DE JANEIRO (AP) – Isinara na ng organizers ng 2016 Olympics at Paralympics sa Rio de Janeiro ang recruitment para sa mga volunteers, nagrehistro ng 242,757 aplikante pa sa 70,000 walang bayad na mga posisyon – 45,000 para sa Olympics at 25,000 para sa Paralympics.
Sinabi ng organizers na ang mga volunteer ay nagmula sa 26 estado ng Brazil, ang federal district ng Brasilia at 192 bansa. Matapos ang Brazil, ang mga may pinakamaraming nagparehistro ay mula sa United States, Russia, China at Britain.
‘’We are very pleased with the volume and particularly the diversity of applicants in the program,’’ sabi ni Flavia Fontes, manager ng Rio 2016 Volunteer Program.
Ang mga aplikante ay 55 porsi-yentong baba3 at 45 porsiyentong lalaki.
Iba’t ibang trabaho ang gagawin ng volunteers tulad ng pagbati sa fans at pag-alalay sa mga atleta. Sila ang magbabayad ng kanilang sariling lodging at transportasyon sa host city. Sila ay may service patungo sa mga venue at pagkain sa mga araw na sila ay magtatrabaho, kaunting training at mga uniporme. Sila ay nais na magtrabaho ng 10 araw, ngunit marami ang nagtatrabaho ng mas matagal.
May mga trabaho rin na nangangailangan ng advanced training, kabilang ang mga doktor.
Ayon sa organizers, ang pagpili para sa 70,000 ay mag-uumpisa sa Marso.
Malaking pagtitipid ang madadala ng mga volunteer para sa local organizing committee. Nagpalabas ang International Olympic Committee ng isang pag-aaral sa 2000 Olympics sa Sydney na nagpakitang ang mga volunteer ay nakapagsalba sa organizers ng $60-milyon.
Gumamit lamang ang Sydney ng 40,000 volunteers.
Ang operating budge para sa Rio Games ay $3-bilyon, na halaga ng mismong pagpapatakbo ng Games. Sa kalahatan, gagastos ang Rio ng may $20-bilyon – magkahalong pampubliko at pribadong pera – upang makapagtayo ng sporting at urban infrastructure para sa unang Olympics sa South America.
Gumugol ang Brazil ng may $15-bilyon para sa World Cup nitong taon.