Nakatakdang sumabak sa mabigat na labanan sa Azian Zonal 3.6 ang ipinagmamalaking chess Grandmasters ng bansa, gayundin ang mga kandidato bilang Women’s Grandmasters sa asam nitong makumpleto ang kailangang norm sa Marso 6-16, 2015 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Sinabi ni National Chess Federation Philippines (NCFP) Executive Director GM Jayson Gonzales na nakatuon ang asosasyon sa paglahok sa mga internasyonal na torneo upang mapalakas ang pambansang koponan matapos na tanggalin ang disipilina sa isasagawa din sa susunod na taon ng 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

“We plan to send our Grandmasters and other deserving players in Europe as part of their training and preparation for the Asian Zonal in March. Hindi lang naman ang SEA Games ang dapat namin paghandaan kundi pati na ibang malalaking torneo under the calendar of FIDE,” sabi ni Gonzales.

Idinagdag ni Gonzales na asam ng asosasyon na magwagi sa Asian Zonal kung saan ang magkakampeon sa torneo ay ipapadala sa World Cup na gagawin sa Tbilisi, Georgia sa taong 2017.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sasandigan ng NCFP ang pondong ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagsasanay ng mga woodpushers matapos naman isama ang chess bilang isa sa mga priority sports.

“We proposed to have our budget be increased by P5-million from its current allotment of P14-million,” sabi nito. “Mostly kasi, nauubos ang budget sa airfare pa lang at hindi pa kasama doon ang accommodation at food ng mga athletes,” sabi pa ni Gonzales.

Nakatuon naman ng bulto ng programa ng NCFP sa mga lokal na torneo tulad ng Batang Pinoy Philippine National Games at ilan nitong itinakda upang mas lalong mapalawak ang popularidad ng disiplina at makahanap ng bagong diskubre na asam nitong maidagdag sa mga grandmasters ng bansa.

“We want to follow the system of India na talagang napakarami ng chess players nila. Hindi ka mauubusan ng talento dahil halos buong mamamayan ng bansa nila marunong maglaro ng mag-chess. Hopefully, we could produce again a world caliber chess player,” sabi pa ni Gonzales.

Isa ang chess sa tatlong national sports association (NSA’s) na napabilang sa “priority sports” kasama ang judo at karatedo na kapalit naman sa inalis na swimming, weightlifting at bowling.