Naging positibo ang resulta ng mahigpit na kampanya kontra paputok ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa City dahil mistulang nilalangaw ang mga panindang sa pagbaba ng bilang ng mga bumibili rito.

Bukod pa rito ang istriktong pagkuha muna ng permit sa Muntinlupa City Police at Bureau of Fire Protection (BFP) para masuri kung ligtas ang gagamiting paputok para sa itinakdang fire cracker zone areas.

Ikinatuwa ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang naturang report ng pulisya dahil malinaw na positibo ang implementasyon ng Ordinance No. 14-092 na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng paputok sa siyudad. Nakasaad din sa ordinansa na pinahihintulutan magpaputok ang publiko, subalit sa itinakda lamang na firecracker zone ng Muntinlupa City government.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho