Naniniwala ang future Hall of Famer na si multiple champion “Sugar” Shane Mosley na matutuloy ang laban nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao sa unang bahagi ng 2015 dahil seryoso ang kanyang kababayan sa mahigit $200 milyong welterweight unification megabout.

Natalo si Mosley kay Mayweather sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision noong May 5, 2010 kung saan kumalog ang tuhod ng huli sa 3rd round gayundin kay Pacquiao nang mapabagsak siya ng Pilipino sa ikatlong round din noong Mayo 7, 2011 sa mga sagupaang ginanap sa Las Vegas, Nevada.

Maraming opsiyon sina Pacquiao at Mayweather pero iginiit ni Mosley na para sa kanya ay seryoso ang kababayan sa pahayag na lalabanan ang Pilipino sa Mayo 2, 2014.

“I think the best fight would be Mayweather versus Pacquiao and I think that is the fight Floyd would be looking for,” sabi ni Mosley sa BoxingScene.com. “That is the biggest money fight and the fight the fans want to see once and for all and I think that fight is going to happen.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, iginiit naman ni British boxing superstar Amir Khan na kung hindi lalabanan ni Mayweather si Pacquiao ay walang alternatibo ang walang talong Amerikano kundi ang harapin siya sa ibabaw ng ring.

“I think I am one of the biggest names in boxing. I have huge viewing figures when I fight and a hug fan base in America and worldwide in places like Pakistan and UAE. A Mayweather fight would sell all around the world,” pagyayabang ni Khan.

“That appeal would bring money to the table – more than [Marcos] Maidana or many of his previous fighters. This could generate a lot of money,” dagdag ni Khan. “Maybe it is mind games I don’t know. Noone really knows with Floyd because you don’t know what to expect from him. He can act childish but he is only making himself look bad by backing down from fights.”