KRIS Aquino

PALABAS pa sa 129 theaters nationwide ang pelikulang Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin mula sa Star Cinema at K Productions sa direksiyon ni Chito Roño.

Kung hindi magbabago ang malaking kinikita nito araw-araw sa takilya ay posibleng abutin ng Feng Shui ang P200M target sales na sinabi sa amin ni Kris nang makatsikahan namin siya sa launching ng Chow King Alimall branch na pinagsososyohan nila ni Dominic Hernandez.

Sabi pa ni Kris, hindi umaasa ang grupo nila sa Feng Shui na maging number one ito sa takilya dahil imposible nilang matalo si Vice Ganda sa Praybeyt Benjamin.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Ang tanging hiling ni Kris ay kumita sila ng dalawang daang milyong piso dahil ang kikitain niya mula rito ay ii-invest niya sa ikalawang sangay ng Chow King na balak niyang buksan.

Samantala, tinanong namin ang Queen of All Media kung ano ang naramdaman niya nang dumalaw si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa bahay nila noong Linggo para batiin sila ni Bimby dahil sa success ng pelikula nila

“Na-surprise ako,” saad ni Kris, at idinagdag na, “We are FRIENDS. He will always be special, but maybe I’m meant to be on my own.”

At sa live episode ng Aquino & Abunda Tonight noong Lunes na hindi namin napanood dahil maaga kaming nakatulog ay ikinuwento raw ni Kris ang pagpunta ni Bistek sa bahay nila nang walang pasabi para batiin nga sila ni Bimby at umalis din naman kaagad.

At may kinowt si Kris sa show na, “You forgive people simply because you still want them in your life.”

Pero bago pumunta ng A&A si Kris noong Lunes ay nag-post siya na ang binabasa niyang libro ay may titulong Meant To Be na sinulat ni Lauren Morrill.

At ang nakakatawang parte ay marami ang nag-react sa post na ito ng Queen of All Media na, “No to HB, you deserve someone better,” “No to HB, wake up na!”, “Big NO to HB Ms Kris” at marami pang iba.

Nakakaloka ang netizens, binigyan kaagad ng kahulugan ang librong binabasa ni Kris.