CANDON CITY, Ilocos Sur – Patay ang isang lalaki matapos mahulog sa tulay habang nagte-text sa kanyang cell phone at tuluyang nalunod sa ilog sa Barangay Suguidan Norte sa Naguilian, La Union, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Joseph Sabado, 39, ng Barangay Imelda, Naguilian.

Nakita ng ilang testigo ang biktima habang naglalakad nang pagewang-gewang at nagte-text sa cell phone sa Cambali Bridge bago nadulas at nahulog sa ilog.

Napuruhan din umano ang biktima nang tumama sa isang kahoy sa pagbagsak niya sa ilog bago nalunod.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Pinaniniwalaang lasing ang biktima nang mangyari ang insidente.