CAUAYAN CITY, Isabela - Palalakasin ng Isabela ang paglaban sa kriminalidad, ayon kay Isabela Anti-Crime Task Force Chief Ysmael G. Atienza.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, sinabi ni Atienza na tumanggap siya ng resolusyon sa mga bayan at siyudad ng Isabela na humihingi ng kanilang tulong upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lalawigan.

Sa unang linggo ng 2015 ay magtatalaga siya ng karagdagang tauhan na magmo-monitor ng mga paaralan, establisimiyento, malalaking hotel, bahay sanglaan, mga bangko at sa matataong lugar upang matiyak ang seguridad ng mga ito.

Matatandaang simula nang maitatag ni Gov. Faustino G. Dy III ang naturang task force ay nabawasan ang antas ng krimen sa probinsiya.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon