BATANGAS - Mahigit isang libong kuwitis at kahon-kahon ng iba’t ibang paputok ang natagpuan ng awtoridad na inabandona ng hindi nakilalang suspek sa Batangas.

Ayon sa report mula kay Insp. Hazel Luma-ang, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Provincial Operations and Plans Branch-Firearms Explosives, Security Agencies and Guards Supervision Section (POPB-FESSAGS) nitong Disyembre 29 sa Batangas City at Lipa City.

Nasamsam sa nasabing operasyon ang may 1,700 kuwitis at limang kahon ng iba’t ibang uri ng paputok.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador