HONG KONG (AP) — Sinimulan ng mga awtoridad ng Hong Kong ang pagsira sa 15,000 manok sa isang pamilihan nito noong Miyerkules at mga pinaghihinalaang nagmula sa mainland China matapos ilang ibon ang natuklasang nahawaan ang bird flu.

Ang merkado sa Cheung Sha Wan sa Kowloon district ay isasara at suspendido ang mga import ng 21 araw, inihayag ni Health Secretary Ko Wing-man.

Ilang manok sa palengke na sinusuplay ng isang farm sa Guangdong province sa mainland ang nasuring positibo sa H7 variety ng flu, ani Ko. Higit na pinagtutuunan ng mga awtoridad ang pagsupil sa pagkalat ng H7N9 strain, ngunit hindi sinabi ni Ko kung mayroon nang natuklasan nito.
Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador