Sa kabila ng kanilang 3-2 disadvantage sa Philippine Cup semifinals, nananatiling kampante si Rain or Shine coach Yeng Guiao na matatapos nila ang trabaho at aabante sa finals laban sa naghihintay na San Miguel Beer.

“We will make adjustments for Game 6, and I’m confident we can bring it to a Game 7,” sabi ni Guiao

Pinakawalan ng Elasto Painters ang 19 na puntos na kalamangan sa Game 5 at isinisi ito ni Guiao sa kanilang nakagawiang mag-relax makaraang makakuha ng malaking abante.

“It’s very similar to Game 1. We had a good lead, we had the momentum but again it’s a game of runs,” ani Guiao.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“The first half, we still had a good six-point lead and to me, that was still okay because I expect runs from both sides. But in the second half, again it’s a question of sustaining the energy because we got outrebounded and we couldn’t sustain the pace,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Guiao na ang mahabang pahinga ang magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makarekober matapos sumabak sa limang laro sa loob ng walong araw.

Ang Painters, na binigyan ng three-day break ni Guiao, ay magpapatuloy ng kanilang ensayo sa Biyernes bilang paghahanda sa Game 6 sa Linggo sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

“It’s just enough na nakapahinga ka, and that you don’t lose your sharpness and you still get to celebrate the New Year and allow them some time with their family din,” turan ni Guiao. - Waylon Galvez