MAKISAYA sa pagsalubong sa Bagong Taon kasama ang Kapuso stars ngayong New Year’s Eve. Siguradong masigabo at kapana-panabik ang GMA New Year Countdown Special dahil sa fireworks na masasaksihan sa SM Mall of Asia.

Pangungunahan ni Chef Boy Logro ang pagdiriwang sa pamamagitan ng paghahanda ng masarap na Media Noche, na ihahain sa ganap na alas-10:00 ng gabi.

Habang nagluluto si Chef Boy ng hapunan, kakantahan at aaliwin naman ang mga manonood nina Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Alden Richards, Rocco Nacino, Christian Bautista, Kris Bernal, Mark Herras, Julie Anne San Jose at Jaya.

Pakikiligin naman ng paboritong Kapuso teen love teams na sina Ruru Madrid-Gabby Garcia, at Miguel Tanfelix-Bianca Umali ang malamig na gabi.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama

Makisayaw at maki-party naman sa performances nina Jonalyn Viray, Frencheska Farr, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Rita de Guzman, at Betong Sumaya.

Bago sumapit ang madaling araw, si Master Showman German “Kuya Germs” Moreno ang mangunguna sa countdown. Kasama na rin dito ang iba pang Kapuso artists, representatives, at sponsors na Tanduay, at Alaska Krem Top.

Makikisaya rin sina Andrea Torres, Benjamin Alves, Glaiza de Castro, Mike Tan, Steven Silva, Max Collins, Rodjun Cruz, Pancho Magno, Winwyn Marquez, Diva Montelaba, Joyce Ching, Ervic Vijandre, Aryan Bautista, at Katrina Halili.

Magpapakitang-gilas din ang Bet ng Bayan regional winners. Kakantahan nina Renz Robosa, Kierulf Raboy, Veronica Atienza, at Hanna Precillas ang mga manonood, habang papamanghain naman sila ni Jomar Abjelina na naging finalist sa “Bet sa Kakaibang Talento”.

Siguradong mas masaya ang magaganap na selebrasyon dahil makiki-party din ang mga Kapuso natin sa Cebu at Davao.

Hindi dapat palampasin ang GMA New Year Special ngayong December 31, sa SM Mall of Asia, Seaside Boulevard.