Mga laro sa Sabado

(Filoil Flying V Arena):

8am – ADMU vs UE (men)

10am – UP vs NU (men)

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

2pm – UP vs ADMU (women)

4pm – UE vs DLSU (women)

Determinadaong maibalik sa kanilang unibersidad ang koronang nakahulagpos sa kanilang mga kamay noong nakaraang taon, nangunguna si La Salle University team skipper Ara Galang sa scoring sa UAAP Season 77 women’s volleyball tournament.

Batay sa statistics na inilabas ng official statistician ng liga na TMX Sports, si Galang, na siya ring nanguna para maiposte ng Lady Spikers ang league-best 5-0, panalo-talo, na baraha bago ang Christmas break ay nangunguna sa hanay ng Best Scorer sa kanyang naitalang 105 puntos na galing sa 82 spikes, 13 blocks at 10 service aces.

Sa kanilang naitalang 25-23, 24-26, 25-14, 25-17 panalo laban sa Adamson University noong Nobyembre 23,nagposte si Galang ng season-best 27 hits,isa na lamang ang kulang para kanyang mapantayan ang kanyang career-high na 28 puntos na kanyang naitala noong Game 3 ng Season 76 Finals.

Hindi namang nahuhuli ang reigning MVP na si Alyssa Valdez ng defending champion Ateneo.

Naghahangad na giyahan ang Lady Eagles sa kanilang target na ikalawang sunod na kampeonato, si Valdez ay nangunguna sa spiking sa kanyang naitalang 45.33 percent success rating at namumuno din sa serving department sa kanyang naiposte na 0.83 average kada set.

Pumangalawa naman ang San Juan, Batangas native sa scoring sa kanyang naitalang 81 puntos na galing sa 68 attacks, 10 service aces at 3 blocks.

Kasunod naman nila sa Top 5 scorers sina Far Eastern University spiker Bernadette Pons (76 points), National University ace hitter Jaja Santiago (75) at University of the Philippines spiker Nicole Tiamzon (72).

Ang 6-foot-4 na si Santiago ay pumapangalawa kay Valdez sa spiking department sa kanyang itinalang 41.29 percent.

Tabla naman sina Mika Reyes ng Lady Spikers at Mylene Paat ng Lady Falcons sa blocks na kapwa may tig 1.00 average per set.

Namumuno naman si Adamson libero Marleen Cortel ang namumuno sa digs sa naitala niyang 3.29 kasunod ang FEU defensive specialist na si Tin Agno na may 2.79.

Nangunguna naman si Jia Morado ng Ateneo sa setting department sa kanyang average na 10.67 per set kasunod ang last year’s Best Setter Kim Fajardo ng La Salle na may 8.24 average per set.

Nangunguna naman sa receiving department sina Ella de Jesus (43.48 percent efficiency rating) at libero Denden Lazaro (40 percent).

Magpapatuloy ang aksiyon sa Sabado-Enero 4, sa The Arena sa San Juan, kung saan makakaharap ng Lady Eagles ang Lady Maroons sa unanag laban sa womens division at magtutuos ang Lady Spikers at ang winless pa ring University of the East sa tampok na laban ganap na ika-4 ng hapon.