Derek-Ramsay-2

WALA sa PICC si Derek Ramsay noong nakaraang MMFF’s Gabi ng Parangal para tanggapin ang kanyang Best Actor trophy para sa makatotohanang pagganap bilang Fil-Am sa English Only Please, produced by Atty. Joji Alonso’s Quantum Films, nasa Nasugbu, Batangas siya kasama ang pamilya at mga kaibigang galing sa ibang bansa.

Ito ang kanyang unang mensahe sa Yahoo pagkatapos mabalitaang siya ang napiling Best Actor: “I thought I won’t make it. I just prepared a speech (na binasa ng kanyang co-star, Best Actress Jennylyn Mercado, sa celphone nito onstage).

Naghanda siya ng text messages/acceptance speech niya, “Kasi ang daming nagsabing dapat manalo ako as Best Actor,” sabi ni Derek.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Sa kanyang pahayag, sinabi ng aktor na habang ginagawa nila ang English Only, Please ay hindi pumasok sa kanyang isipan na makipag-compete sa anumang award, ginawa lang niya ang kanyang trabaho at ang trophy ay bonus na lang kung tutuusin.

May pahayag ang aktor na mas masaya siya kung ang kanilang movie ang nagkamit ng Best Picture award, na napanalunan ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla.

“I’m proud of my award. But I’d be more proud if we won Best Picture.”

Nagpasabi ang aktor na deserving naman ang Bonifacio for Best Picture ng MMFF 2014.

Kung sana lang daw ay nagkaroon ng sapat na panahon at budget ang EOP, puwede silang makipagsabayan sa mga higanteng pelikulang nakasabay sa filmfest.

Sey ni Derek tungkol sa pelikula ni Robin, “Mahirap gawin ang Bonifacio. They did a lot of research. Kung hindi, pagtatawanan ka.”

Team effort daw ang paggawa nila ng pelikulang English Only Please, at nais sana niyang makilala rin ang mga kasamahan sa production na nag-effort nang husto.

“It’s like sports. You may win Best Player, but the goal is to win for the team.”

Luluwas siya ng Manila ngayong December 31 para sa New Year Countdown ng TV5 na gaganapin sa Quezon Memorial Circle.

“Panay trabaho ako ngayon,” aniya.

Magiging busy kasi si Derek sa 2015, with his lineup of projects, kabilang ang game show with The Amazing Race Season 2’s top teams at ang sitcom na Mac & Chiz kasama si Empoy.

Bakit nga ba masuwerte si Derek? Ano ang kanyang pampasuwerte?

“My lucky numbers are 7, 11 and 15. Seven and 11 are my numbers in sports. I did (the hit movie) No Other Woman in 2011. And 15 has been my lucky number since I was a boy.”

Bagamat may pinagdaanang unos ang aktor this 2014, hinabol pa rin siya ng malaking suwerte kaya masasabi niyang masaya pa rin ang taong ito for him.

“I don’t consider the events as heartaches but experiences. The year gave me the opportunity to be a dad (to 11-year-old Austin),” pahayag pa ni Derek.