SURABAYA, JAKARTA, Indonesia (AFP/AP)— Ang mga debris na nakita noong Martes sa isang aerial search para sa AirAsia flight QZ8501 ay mula sa nawawalang eroplano, sinabi ng director general of civil aviation ng Indonesia sa AFP.
“For the time being it can be confirmed that it’s the AirAsia plane and the transport minister will depart soon to Pangkalan Bun,” ani Djoko Murjatmodjo.
“Based on the observation by search and rescue personnel, significant things have been found such as a passenger door and cargo door. It’s in the sea, 100 miles (160 kilometres) southwest of Pangkalan Bun,” aniya, tinutukoy ang bayan sa Central Kalimantan, sa isla ng Borneo.
Natanaw ng Indonesian aerial searchers noong Martes ang mga bagay na kahawig ng isang emergency slide at pintuan ng eroplano habang naghahanap ng mga bakas ng AirAsia passenger jet na naglaho sa gitna ng masamang panahon.
Mahigit 48 oras simula nang maglaho ang Airbus A320-200 na sakay ang 162 katao mula sa ikalawang pinakamalaking lungsod ng Indonesia sa Surabaya patungong Singapore.
Sinabi ni Indonesian air force official Agus Dwi Putranto sa mamamahayag: “We spotted about 10 big objects and many more small white-coloured objects which we could not photograph.
“The position is 10 kilometres (six miles) from the location the plane was last captured by radar,” aniya sa Pangkalan Bun sa Central Kalimantan, sa isla ng Borneo.
Nakapokus ang paghahanap sa mga tubig sa paligid ng mga isla ng Bangka at Belitung sa Java Sea, mula sa Kalimantan.
Makalipas ang ilang sandali, kinumpirma ni Navy spokesman Manahan GamoteaSimorangkir ang tuklas sa TVOne, sinabing ilang biktima ang natagpuan, ngunit hindi sinabi kung buhay o patay ang mga ito.
Iniulat ng Jakarta Post, sa kanyang update, na sinabi ni Air Force Hercules C130 copilot Lt. Tri Wibowo–na lumipad sa ibaaw ng karagatan sa Pangkalan Bun sa Central Kalimantan para sa paghahanap ng nawawalang AirAsia flight QZ8501–na nakita niya ang ilang dosenang nakalutang na bangkay, mga bag at aircraft debris.
“We thought that the passengers were still alive and waved at us for help. But when we approached closer [we saw] they were already dead,” sipi kay Tri ng kompas.com.
Nawalan ng contact ang eroplano noong Linggo halos 40 minuto matapos itong lumipad, makaraang humiling ang crew na magbago ng flight plan dahil sa mabagyong panahon.
Bago mag-take-off humiling ng permiso ang piloto na lumipad sa mas mataas na antas upang maiwasan ang bagyo ngunit hindi inaprubahan ang kanyang kahilingan dahil sa matinding traffic sa popular route, ayon sa AirNav, ang flight navigation service ng Indonesia.
Sa kanyang final communication, hiniling ng piloto na magbago ng kanyang daraanan at inulit ang orihinal na kahilingan na umakyat pa dahil sa masamang panahon.
“The pilot requested to air traffic controllers to deviate to the left side due to bad weather, which was immediately approved,” sabi ni AirNav safety director Wisnu Darjono sa AFP.
“After a few seconds the pilot requested to ascend from 32,000 to 38,000 feet but could not be immediately approved as some planes were flying above it at that time,” ani Darjono.
Ito na ang huling komunikasyon sa AirAsia Flight QZ8501.
“Two to three minutes later when the controller was going to give a clearance to a level of 34,000, the plane did not give any response,” aniya.