BRISBANE, Australia (AP) – Umatras ang U.S. Open champion na si Marin Cilic mula sa Brisbane International tennis tournament na nakatakda sa susunod na linggo dahil sa right shoulder injury.

Sinabi ni tournament director Cameron Pearson na ang ninth-ranked na si Cilic “has lost his race against time to regain full fitness.’’

Walang indikasyon kung ang injury ay makakaapekto sa tsansa ng Croatian na makapaglaro sa Australian Open umpisa Enero 19 sa Melbourne.

Si Cilic, na anim na buwan nang iniinda ang nasabing injury, ay tinalo sina Roger Federer at Kei Nishikori upang mapanalunan ang kanyang unang Grand Slam title sa New York noong Setyembre.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilang torneo rin ang kanyang hindi nilahukan noong nagdaang season bago nakopo ang Kremlin Cup sa Moscow noong Oktubre.

Ang iba pang nasa field para sa Brisbane Internation, na magbubukas sa Lunes, ay kinabibilangan nina Federer, Nishikori, Milos Raonic at Grigor Dimitrov.