STA. ROSA, Nueva Ecija - Hindi rebentador kundi granada ang pinasabog ng mga hindi nakilalang lalaki sa paghahagis nito sa bahay ng isang chief tanod sa Maharlika Highway sa Barangay Luna ng bayang ito, noong Lunes ng umaga.

Base sa report ng Sta. Rosa Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Crizaldo Nieves, dakong 2:50 ng umaga nang hagisan ng granada ang bubungan ng bahay ni Norberto Carpio y Sampoleo, chief tanod ng Bgy. Luna.

Tinamaan ng shrapnel sina Rowena Carpio y Delfin, 41; Jerico Carpio y Delfin, 12; Baby Ruth Carpio y Delfin, 9; at isang 14-anyos na babaeng estudyante, pawang residente ng nasabing lugar, at agad na naisugod sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research & Medical Center (PJGMRMC) sa Cabanatuan City.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo o dahilan sa paghahagis ng granada sa bahay ni Carpio.
National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang