Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa paggunita ng mga aral sa buhay bago mo simulan ang bagong taon. Minsan, dahil sa kaabalahan natin sa ating mga gawain araw-araw, nalilimutan natin ang mga simpleng aral na maaaring makagdulot sa atin ng tagumpay sa buhay. Ipagpatuloy natin...
- Ang diplomasya ay isang sining na nagsasabi sa mga tao ng “Go to hell!” at ikaw ang kanilang tatanungin kung saan direksiyon ang patungo roon.
- Huwag manaig sa isang argumento sa pamamagitan ng pagsigaw at galit. Talunin mo sila ng isang matamis na ngiti dahil hindi iyon kakayanin ng iyong mga kalaban.
- Huwag mong igiit ang iyong sarili kung kakaunti lamang ang iyong alam sa isang bagay. Maging handa kang tumanggap ng bagong kaalaman.
- Ang pag-asa ay parang kuko. Kahit gaano kadalas itong putulin, patuloy itong tutubo.
- Kapag sinunod mo ang gabay ng ibang tao, mararating mo ang wakas ng walang pag-asa. Kapag sinunod mo ang gabay ng Diyos, mararating mo ang pag-asang walang wakas.
- Laging espesyal ang mga alaala. Minsan matatawa tayo sa paggunita ng mga araw na tayo’y lumuha. At minsan din, lumuluha tayo sa paggunita ng mga araw na tayo’y tumatawa.
- Ang dagat ay para sa lahat. Ang ilan, nakakakuha ng perlas. Ang iba, mga isda. Ang nakararami ay nagbasa lang ng paa at hindi na lumangoy. Ang daigdig ay para sa lahat, makukuha natin ang ating pinagsisikapang kunin.
- Ano ang problema ng komunikasyon? Hindi tayo nakikinig upang umunawa; nakikinig lamang tayo upang tumugon.
- Maraming wika sa daigdig ngunit nagkakaunawaan ang lahat sa iisang ngiti.