Angel-Locsin_JIMI

NALALAPIT na ang pagiging opisyal na Mrs. Luis Manzano si Angel Locsin, pero isang taon na ang nakalilipas hindi pa rin niya nakakalimutan namatay niyang boyfriend na Miko Sotto.

Nasabi namin ito dahil nag-post si Angel sa kanyang IG account noong hatinggabi ng Martes bilang paggunita sa 11th death anniversary ni Miko.

Sa post ni Angel na may kuha ng tatlong kandilang nakasindi ay may caption na hango sa pilantropong si Rose Kennedy na, “It has been said, ‘time heals all wounds.’ I do not agree, the wounds remain, in time, the mind, protecting its sanity, covers them with scar tissue and the pain lessens but it is never gone.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

“Today is the 11th year death-niversary of Miko Sotto, sa mga nakaalala, salamat po.”

Matatandaang halos mawasak ang mundo ni Angel sa biglang pagkamatay ni Miko sanhi ng pagkakahulog nito sa veranda ng condominium unit nito sa Mandaluyong City.

Nakailang karelasyon na rin si Angel buhat nang mawala si Miko sa buhay niya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ng dalaga ang lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso.

Samu’t sari naman ang komento ng netizens sa naturang post ni Angel at kung ano raw ba ang magiging reaction ng soon to be husband niyang si Luis.

Pero sa pakiwari namin ay hindi ito big issue sa TV host/actor dahil, unang-una, wala na si Miko so ano pa ang dapat ipagselos o ipangamba niya? Magiging katawa-tawa siya kung pagseselosan niya ang patay na.

At higit sa lahat, hindi makitid ang utak ni Luis para patulan ang mga ganitong klaseng intriga.

Samantala, paulit-ulit pa rin kaming tinatanong kung totoo ang mga tsikang naririnig sa loob at labas ng showbiz kung babalik si Angel sa GMA-7 dahil nga mag-e-expire na ang kontrata ng dalaga sa ABS-CBN at Star Cinema sa Abril 2015.

Kami na ang sasagot na hindi mangyayari dahil may dalawang pelikulang gagawin si Angel sa Star Cinema na ipalalabas sa Mayo at Disyembre 2015. Kaya paano aalis ang aktres sa Kapamilya Network?