NANGANAK na ang Grammy-winning singer na si Alicia Keys ng isang baby boy noong Sabado. Ang sanggol na pinangalanan niyang Genesis Ali Dean ay iniluwal pasado 1:00 ng umaga na may bigat na 6 pounds at 5 ounces.

Inihayag ni Alicia noong Linggo sa pamamagitan ng Instagram na siya ay masaya. “The joy of joy is joy!! It’s a boy!!” paglalarawan niya sa litrato. “We are so grateful!! #blessings!!”

Ito ang pangalawang anak ni Alicia, 33, at ng asawa niyang si Swizz Beatz, 36. Ang panganay nila na pinangalanan nilang Egypt, ay tatlong taong gulang na ngayon.

“He’s so excited,” kuwento ni Alicia tungkol sa anak nang kapanayamin siya nitong Nobyembre sa Live! With Kelly and Michael. “He comes up and kisses the belly all the time, and he’s always asking, ‘Mommy, can the baby be in the bed with me?’ I’m like, ‘Well not at the beginning.’”

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Hiling sana ni Egypt na isang lalaki ang maging kapatid nito, ngunit naghanda rin ang bata ng isa pang pangalan kung sakaling babae ang isisilang.

“He’s like, ‘What about Prince Eric or Ariel?’” natawang sagot ng singer.

“Happy Anniversary to the love of my life @therealswizz!!” saad pa ni Alicia sa Instagram. “And to make it even sweeter we’ve been blessed with another angel on the way!! You make me happier than I have ever known! Here’s to many many more years of the best parts of life.”

Noong Setyembre ipinakita ni Alicia ang kanyang malaking tiyan para sa kampanyang “We Are Here”, na minimithi na “create the change we all want to see in the world.”

“It’s you and me on a mission to create a kinder and more peaceful world,” pahayag ni Alicia kalakip ang larawan. “The #WeAreHere Movement beginstoday.”

“Being a mother has definitely given me more of a fierceness and an understanding of just what I believe in, that much more.” - Yahoo News/Celebrity